When each day is the same as the next, it’s because people fail to recognize the good things that happen in their lives every day that the sun rises.
"The Alchemist"

amethyst and everything

si amethyst at ang lahat..

pano ko ba nakilala si tet?

pagkatapos ng 5 oras…

hindi ko talaga matandaan kung saan at kelan ko ba siya una nakita o nakilala. sa classroom siguro, sa subject ko sa isang major subject. pero ang article na to ay hindi kung pano ko siya nakilala, eto ay tungkol sa “kung pano mo makilala si amethyst” at “mga tips para malaman mo hindi clone na amethyst o guniguni ang nasa harap mo”.

tawagin nalang natin siyang tet. basic information tungkol kay tet: kulot siya, meron siyang napaka cute na curly hair, parang pancit canton, un sweet ang spicy. average ang kanyang tangkad sa isang average na pilipina, siguro nasa 5’4”, at napaka tahimik niyang tao, promise, halos hindi siya nagsasalita kung hindi mo kukulitin, hindi siya tatawa kung wala nakakatawa talaga, kahit naman siguro ako hindi ako tatawa kung wala nakakatawa, pero siya mas iba. pero wag kayong aasa sa basic information lang, kasi maniwala kayo sa hindi, mahihirapan kayo malaman ang tunay na tet..

para kasi siyang ganito..

sino dyan si tet? hindi nyo mahulaan noh.. ganyan ang pakiramdam kung un mga basic information lang ang malalaman nyo.. be careful.

ano ba pagkakaiba nya sa ibang sandtroopers?

marami siyang pinagkaiba, kung iisipin eh itchura lang un parehas sakanila, at yun iba ay ibang iba na talaga. seryoso, kahit malabo ang mata ko, alam ko kung si tet ba ang nasa harap ko, ganon ko siya kakilala.

tip # 1: malalaman mo si tet ang kaharap mo kapag ng joke ka tapos natawa ka sa sarili mong joke pero siya di man lang tumawa.

yan ang “ano joke mo? di ko gets.” na itchura ni tet.

kapag ganito ang ngyari, yun hindi siya natawa at ngmumuka ka lang tanga. simpe lang.. sundin ang tip # 2.

tip # 2: magjoke ka ulit ng paulit ulit hangang kahit papano eh tumawa na din siya. alam ko mahirap pero tunay kang lalake kapag nagawa mo yan.

see? tunay akong lalake. maganda siya pag naka’smile. yun ang isa sa pinagkaiba niya sa ibang clone na stormtroopers.

.. hangang dito na muna, kylangan niyo muna i’memorize ang basic information niya at i’master ang tips # 1 and 2.

abangan ang mga susunod na tips. peace out!

 
  1. tashancha posted this